ME
Hi! My name is Klein. I am 18 years old. A third year BA Public Administration student at the University of the Philippines Diliman.
I love watching movies - Hollywood and even Korean.
I love basketball as a sport but I don't play, i just watch and cheer.
I enjoy watching shows like F.R.I.E.N.D.S, Will and Grace, Stacked, Grey's Anatomy, Desperate Housewives and reality shows like Amazing Race and Survivor.
Chocolates are my favorite comfort food - they make me happy whenever I'm lonely.
Tuesday, September 12, 2006
drinking session
"I'm this close to giving up on you..."... and i hate myself for still holding on.ayan, isa na namang malungkot na blog entry mula sa akin. kararating ko lang mula sa panonood ng sine na kasama sina Kamille at Jobelle, at heto ako ngayon, nilalasap ang sarap ng lambanog mula sa quezon. Hmm... Sinusubukan kong lunurin ang sarili ko sa alak para makalimutan ang mga [masasakit] na nangyari ngayong araw na 'to. Ewan ko. Bakit ba kasi ang lakas ng loob kong pumasok sa ganitong sitwasyon e - kaya heto ako ngayon, talo. Alam ko namang walang ibang dapat sisihin dito kundi ako at ako lang. Hindi ko naman masisi SAYO kung bakit ako nakakaramdam ng ganito kasi una, wala ka namang ideya sa kung ano ang nararamdaman ko para sa'yo at pangalawa, wala ka namang pakialam sa kung ano man ang nararamdaman ko. Hay... ang buhay nga naman.Dinadaan ko na lang sa biro ang lahat - kahit na sa loob-loob ko ay durog na durog na ako. Siguro yan din ang akala mo sa 'kin, isang malaking biro. Oo, lagi akong masaya sa harap mo. Parang walang problema. Pero may karapatan din naman akong masaktan at lumuha [gaya ng ginagawa ko ngayon] diba? Hindi na talaga ako natutuwa sa mga ginagawa mo. Pero ewan ko ba kung bakit ayaw ko pa ring bumitaw mula sa 'yo - kahit alam kong sa wala rin naman mapupunta ang nararamdaman kong ito. Siguro nga bobo talaga ako pagdating sa pag-ibig, pero ewan ko. Hindi ko alam. Pinipilit kong kalimutan ang mga pasakit na nadudulot mo sa 'kin at sa halip ay alalahanin ang mga masasaya nating sandali. Pero teka, mali pala ako, sa akin lang pala 'big deal' ang mga sandaling iyon, kasi marahil para sa'yo wala lang 'yon. Hindi ko na alam kung ano pa ang kailangan kong gawin at ipakita para maramdaman mo kung gaano katindi ang nararamdaman kong ito para sayo. Ano bang meron sya? Napapasaya rin naman kita a. Sana sinabi mo na noong una pa lang na siya ang gusto mo at hindi ako para hindi na ako [tuluyang] umasa na balang araw... magiging tayong dalawa.Naiinis ako sa sarili ko dahil kahit anong gawin ko,pilitin ko mang pigilin at kalimutan ito, babalik at babalik pa rin ang damdamin kong ito para sayo.
lost and killed 11:27 PM
"Life is like a box of chocolates, you'll never know what you're gonna get"
- Forrest Gump
"Real love is when you love someone without asking for anything in return. It's when even a passing smile can make your day, a small pat on the back can make you feel alive and the mere sound of his/her voice can move you to break out into a song inside.
Real love isn't fate nor is it written in the stars. You , yourself, have to make love happen. It's a choice; a commitment that you stand up for. And even if you're uncertain if he'she loves you back, you take the risk of facing whatever pain that would come your way simply because you believe he/she is worth everything and more."