ME
Hi! My name is Klein. I am 18 years old. A third year BA Public Administration student at the University of the Philippines Diliman.
I love watching movies - Hollywood and even Korean.
I love basketball as a sport but I don't play, i just watch and cheer.
I enjoy watching shows like F.R.I.E.N.D.S, Will and Grace, Stacked, Grey's Anatomy, Desperate Housewives and reality shows like Amazing Race and Survivor.
Chocolates are my favorite comfort food - they make me happy whenever I'm lonely.
Saturday, August 12, 2006
sulat (part 2)
una sa lahat, i think this entry is long overdue na kasi maraming beses ko ng tinangkang gawin ito pero parang mali lahat ng naisusulat ko kaya mas pinipili kong hwag na lang ituloy. pero ngayon, eto na naman ako at sana... sana masabi ko nang tama ang nararamdaman ko.
Para Sa'yo (Part2): Lagi akong nagdadasal sa Diyos kung ano ba ang dapat kung gawin - kung dapat pa bang sabihin ang mga bagay na wala rin namang katiyakan o ipagpatuloy na lang ang pagwawalang kibo at palihim na nahihirapan. Sa ngayon, wala pa ring sagot sa mga tanong na ito pero umaasa ako na malapit ko nang malaman ang sagot.Lagi ko ring sinasabi sa Kanya na wala naman akong intensyong saktan ka - at yan na marahil ang pinakahuling bagay na gusto kong gawin dahil ayokong nakikitang nasasaktan ka, mas lalo na kung ako ang dahilan kung bakit ka nasasaktan (sana alam mo to). Mahirap maging masaya sa mundong ito na maraming gulo. Alam kong gasgas na to pero everything happens for a reason. At kung nasaktan man kita, gusto kong malaman mo na hindi ko yun sinasadya.Pinilit ko namang pigilin at itago e, pero ganun talaga - may mga bagay na mahirap pagtakpan. Ang nasa isip ko na lang, karapatan ng bawat tao na maging maligaya. Alam kong darating tayo sa puntong ito, pero hindi ko inakalang magiging ganito kahirap at ganito kabigat. Ang buong akala ko kasi, maiintindihan at matatanggap mo pa rin ako. Oo, marahil naiintindihan mo nga ako pero hindi maiiwasang magalit ka't layuan ako. Sinabi ko na ito dati pero uulitin ko: natatakot ako para sa ating dalawa. Ayokong malayo ang damdamin mo sa akin kasi sa tingin ko, hindi magiging maayos ang lahat sa buhay ko kung wala ka. Lagi mong iisipin na hangad ko ang kaligayahan mo. Kaya kung nasasaktan man kita ngayon, sana malaman ko. Ipakita mo sa akin kung anong nararamdaman ko. Tatanggapin ko kahit ano.Paumanhin kung naging makasarili ako. Sana mapatawad mo ako...
lost and killed 10:51 PM
"Life is like a box of chocolates, you'll never know what you're gonna get"
- Forrest Gump
"Real love is when you love someone without asking for anything in return. It's when even a passing smile can make your day, a small pat on the back can make you feel alive and the mere sound of his/her voice can move you to break out into a song inside.
Real love isn't fate nor is it written in the stars. You , yourself, have to make love happen. It's a choice; a commitment that you stand up for. And even if you're uncertain if he'she loves you back, you take the risk of facing whatever pain that would come your way simply because you believe he/she is worth everything and more."