ME
Hi! My name is Klein. I am 18 years old. A third year BA Public Administration student at the University of the Philippines Diliman.
I love watching movies - Hollywood and even Korean.
I love basketball as a sport but I don't play, i just watch and cheer.
I enjoy watching shows like F.R.I.E.N.D.S, Will and Grace, Stacked, Grey's Anatomy, Desperate Housewives and reality shows like Amazing Race and Survivor.
Chocolates are my favorite comfort food - they make me happy whenever I'm lonely.
Saturday, August 26, 2006
'Oo' (An Angst-ridden entry)
PURO SYA NA LANG...
Hindi ko alam kung bakit may tendency ako na bigla na lang malulungkot. Hindi naman ako emotionally disturbed or anything, siguro dahil na rin sa nangyayari sa buhay ko kaya ganun. Ganon talaga ako e, bigla na lang babalutin ng sobrang kalungkutan at nahihirapan nang magpigil sa luhang malapit nang pumatak.
Naiintindihan ko naman kung bakit ganon e.Pero bakit ganon, parang kakaiba talaga yung naging pakiramdam ko sa ginawa nyang yon.
Ngayon aaminin ko na, nasaktan ako - at sa tingin ko kapag nagpatuloy pa ang ganong pangyayari, paulit-ulit lang akong masasaktan. Paulit ulit na babalutin ng sobrang kalungkutan at baka dumating na rin sa puntong hindi na kayang itago ang mga luhang namumuo sa aking mga mata.
Nasasaktan ako sa twing nakikita ko siya dahil alam kong hindi niya naman ako nakikita. Pero bakit ganon, sa kabila ng galit at pasakit na nararamdaman ko sa kanya, mas umiiral pa rin ang pagmamahal ko para sa kanya.
Pasensya na, tanga lang talaga ako pagdating sa ...
"Mahirap talagang magtago... ng nararamdaman"
Kahapon magka-usap kami ni Jong at hindi ko alam kung bakit sa kabila ng tawanan, nakuha nyang sabihin ito. Natahimik ako bigla at napaisip na naman. Oo, tama si Jong. Ilang ulit ko na rin yatang nasabi ito pero ang buong akala ko, noong minsan akong mabigo, kaya ko nang itago mula sa ibang tao ang totoong nararamdaman ko. Totoo. Sa loob ng dalawa o tatlong taon mula nang kabiguang iyon, kapag dumarating ang pagkakataon na kailangang kailangan kong itago ang nararamdaman ko, nagagawa ko. Sa panlabas, masaya ako pero sa loob-loob ko... alam nyo na, nasasaktan din.
Kaya nga natatawa ako sa mga aplikante namin dahil karamihan sa kanila, ang tingin sa 'kin ay isang taong laging masaya - isang taong wala man lang bahid ng kalungkutan at ka-dramahan sa buhay. Oo, sa harap ng ibang tao, pinapakita kong masaya ako - pero yun ay para maisip nila na masaya at masarap mabuhay. Siguro, paraan ko rin yon para i-decieve sila. Ewan ko.
Darating ang araw na hindi ko na kakayanin ang magtago ng nararamdaman kasi, sabi nga ni Jong, mahirap. Pero siguro, hanggat kaya ko pa, pipilitin ko munang itago ang kung ano mang nararamdaman ko.
lost and killed 10:10 PM
"Life is like a box of chocolates, you'll never know what you're gonna get"
- Forrest Gump
"Real love is when you love someone without asking for anything in return. It's when even a passing smile can make your day, a small pat on the back can make you feel alive and the mere sound of his/her voice can move you to break out into a song inside.
Real love isn't fate nor is it written in the stars. You , yourself, have to make love happen. It's a choice; a commitment that you stand up for. And even if you're uncertain if he'she loves you back, you take the risk of facing whatever pain that would come your way simply because you believe he/she is worth everything and more."