para sa mga taong nagtatanggi, mula sa RocksTeddy:
Mahal kita pero hindi mo lang alam
hindi mo alam kasi hindi mo naman ako tinitignan
ayaw mo naman itanong sa ‘kin
kasi baka nga naman hindi naman ikaw
at hindi ko rin naman sa ‘yo sasabihin kasi ayoko pa sa ngayon na manligaw
mahal kita pero hindi nga lang halata
hindi halata kasi wala nga naman akong ginagawa
hindi ako kumikibo, hindi ako nagsasalita, wala
pero hindi ako torpe
hindi ko lang talaga masabi sa ‘yo nang harapan
mahal kita pero dehins mo pa rin ramdam
hindi mo ko titignan, hindi rin kita titignan
lagi mo lang akong pakikiramdaman, lagi rin kitang pakikiramdaman
at araw-araw tayong magdededmahan hanggang sa tayo ay magkabistuhan
pero ngayong malapit nang matapos ang kanta ko, nais kong magkaalamanan na
nais kong ako na rin ang magsabi sa ‘yo nang harapan
kasi alam kong do’n din naman ang tuloy niyan
at dalawa din lang naman ang posibleng sagot d’yan: oo o hindi
kaya’t eto na, sasabihin ko na para matapos na at hindi na magka-chismisan pa
sasabihin ko na para wala nang problema at para hindi na rin kayong lahat nabibitin pa
reality bites:
there are times when we just have to accept the fact that we can't have everything we want. even if we have the capacity to get it, we just have to let go of it and move on with our lives. life is as simple as that, grab the things that you are meant to have and let go of the things that are meant to pass you by.