
Today marks my 18th year of existence. I’m thankful for the wonderful life I have. Though not perfect, I think that it’s better than having no life at all. I have been through a lot and have met a lot of interesting characters along the way. They became part of me and they added color to my already colorful life.
This entry would be just about anything related to me since it’s my birthday. HAPPY BIRTHDAY TO ME! Hehehe!
SONGS
Marami nang naging theme song ang buhay ko. Merong up beat, merong slow jamz, may rock, etc. Mahilig kasi akong kumanta, pero sa kasawiang palad, walang hilig sa akin ang kanta. Salamat sa MTV at MYX, through the years e nag-improve naman ng konti ang aking boses.
IRIS (Goo Goo Dolls)
Favorite song ko talaga ‘to. Kasi noong highschool ako, I have this feeling na misunderstood ako. Ewan ko ba. Bawat galaw ko pinapansin ng ibang tao, para akong nasa Big Brother House. Bawat sabihin ko mino-monitor, parang MTRCB, sine-censor. Konti lang talaga yung mga tao na naniwala sa akin. Maraming may ayaw sa ‘kin nun e, lalo na yung mga teachers. May isang teacher na nagsabi sa akin (ito yung kakampi ko) na nakaka-intimidate daw kasi ako, kasi ‘pag alam kong mali, I don’t hesitate to correct it. Apparently, ayaw ng mga teachers ng ganun. Siguro na-iinggit sila, pero ano naman ang kaiinggitan nila sa ‘kin diba? Naalala ko pa nga kapag deliberations ng honors o kaya deliberations ng mga awardees for Students’ Recognition day, lagi akong kinakabahan kasi alam ko na kahit may mga mag-nominate sa akin sa isang award that I am deserving to get, merong isa (or dalawa or tatlo or marami pa) doon sa mga magde-deliberate na gagawin ang lahat ‘wag ko lang makuha yung award. I don’t understand why some people would do that pero wala akong magagawa, they think I don’t deserve anything. I remember one time tinanong ako ng mama ko kung bakit ba ayaw nila sa akin, napaiyak na lang ako kasi I really don’t know why. Hindi naman ako masamang tao para maging ganon na lang ang galit nila sa akin. Maging mabait man ako sa kanila, balewala din naman kasi at the end of the day, they would still think of me as bad. Kaya nga gusto ko ‘tong Iris e:
I don’t want the world to see me
Coz I don’t think that they’d understand
When everything’s made to be broken
I just want you to know who I am
Kahit yung isang tao na minahal ko noon hindi rin ako pinagkatiwalaan. Nagtataka nga ako e kung bakit pa nya ako pinagtyagaang ligawan, e hindi rin naman pala naniniwala na sya lang ang mamahalin ko. Nakakatawa talaga ang mga tao pag highschool pa lang no. Immature.
I’LL BE (Ed McCain)
Naks! Medyo weird yung reason why at some point in my life e nagustuhan ko ‘tong kantang to. Kinalimutan ko na kasi yung part na yun ng buhay ko. Sobrang kakaiba kasi. Pero to simplify things, let’s just say na may mahal ako na sabi nya mahal nya ako pero hindi ako ang girlfriend nya. Hmm… dun sa mga highschool friends ko na nagbabasa nito, gets nyo na siguro ‘to. Nung mga times na kinakanta ko ‘to e yun yung mga times na nagmukha akong tanga. Pero I don’t regret anything naman, at least I learned something from that experience.
Lesson 1: Wag makipagbalikan sa ex mo kung kaka-break pa lang nila ng girlfriend nya.
Lesson 2 : Wag magpabola sa lalakeng sinasabing bestfriend ka nya (lalo na kung palaging may ‘I love you’ sa text nya)
Lesson 3 : Wag umasa na balang araw e maghihiwalay din sila (kasi hindi na mangyayari yun)
NARDA (Kamikaze)
Sobrang nakaka-relate talaga ako sa kantang ‘to. Sabi nga ni Jay, yung lead vocalist ng Kamikaze, this song is about ‘imposibleng pag-ibig’. Naks naman talaga! Saktong-sakto. Yun na yun.
***
Okay, tama na ang drama. Dahil araw ko ‘to nais kong magpasalamat sa ilang tao na laging nanjan para sa akin, na laging nagpapasaya sa akin at sa mga laging umiintindi sa akin.
Una syempre sa pamilya ko: Salamat kina Mama, Papa at sa kapatid ko. Kung wala kayo, malamang wala rin ako.
Pangalawa sa mga kaibigan/orgmates/batchmates: kina Bessy, Pooch, Sette, Maez, Grech, Reigne, Dhenz, Mike, Deej, Winston, Khenly, Laurence, Tristan, Santy, Stephen, Ariane, Gimo, Alvin, Rachel Ann, September, Rommel at lahat ng naging classmates ko sa St. John, St. Luke, St. Mark at St. Matthew. Pati kina Maan, Jobelle, Kamille, Kriszia, Ashley, Jackie, Glaiza, Mitch J. at Mitch S, Yuj, Cat, Hannah, Ro-Ann, Karen, Anna, Cris, Ara, Jong, John, Riyah, Freyritz, Jenn, Ate Claire, Janna, Aila, Martin (na bago kong friend...hehehe)Ate Bai, Kuya Chip, Ate Marbz at sa lahat ng Pagdu Mems.
Special mentions:
Kay friend Maan, thanks to you for everything, as in sa lahat (di ko kayang i-enumerate). Isa ka sa mga itinuturing kong tunay na kaibigan. Love you!
To Jobelle, Kamille, Kriszia, Ashley , Glaiza at Jackie: salamat sa isang taong mahigit na pagkakakaibigan. Kayo ang dahilan kung bakit mas mahal ko ang UP Diliman. Like Maan, true friends talaga kayo. Mahal ko kayo!
Salamat sa inyong lahat!
Kakapagod. Parang ‘thank you speech’ sa awards night! Hehehe! Sige, until here na lang!
Wohoo! 18 na ako!