ME
Hi! My name is Klein. I am 18 years old. A third year BA Public Administration student at the University of the Philippines Diliman.
I love watching movies - Hollywood and even Korean.
I love basketball as a sport but I don't play, i just watch and cheer.
I enjoy watching shows like F.R.I.E.N.D.S, Will and Grace, Stacked, Grey's Anatomy, Desperate Housewives and reality shows like Amazing Race and Survivor.
Chocolates are my favorite comfort food - they make me happy whenever I'm lonely.
Sunday, January 29, 2006
yung mahal ko, ako, mga bata, mga pinoy at accounting
real-time update on what i am feeling:Naiiyak na naman ako. ayoko kasing nakikita syang nasasaktan. nasasaktan ako kapag nasasaktan sya. nalulungkot ako 'pag malungkot sya. Putcha! Mahal ko na talaga sya!Tapos ang baba pa ng self-confidence ko ngayon. Chinese New Year kasi at ayon sa mga eksperto sa Feng Shui, hindi daw magandang taon ito para sa mga taong ipinanganak ng Year of the Dragon. Ibig sabihin malas ako ngayon taon. Anak ng tokwa, excited pa naman akong mag-18 tapos malas naman pala ako! Holy Shit!*~*ok...eto na yung gusto kong gawan ng blog kagabi pa pero i never had the chance kasi sobrang inaantok ako.We celebrated my Dad's birthday kahit wala sya dito sa Pinas. We invited my cousins - Kuya Erwin, Ellen, Mae, Ate Jane plus yung katulong nila, si Ate Laila - over para dito na mag-dinner. So ayun, as usual masayang usapan at kwentuhan na naman habang kumakain. After we had dinner, nag-settle down kami in front of the television. Nung una, walang particular show kaming pinapanood, pero na-struck kami sa "Imbestigador" kasi mukhang okay yung topic nila. Tungkol sa buhay ng mga bata ang focus.
Na-feature sa show na yun na parami na ng parami ang mga batang hindi nakakapag-aral, ang nagkakasakit at eventually e namamatay: it all boils down to the fact na grabe na talaga ang sitwasyon natin dito sa Pinas. Imagine, pinakita dun sa video na yung mga ibang bata e Payatas dump-site na ang pinaka-playground nila. Yung iba wala man lang damit, no wonder nakakakuha sila ng kung anu-anong mga sakit. Tapos (you might think na sa telenovelas lang ang ganitong plot) yung magulang nila more often than not e walang trabaho.Yung isang topic naman tungkol sa risks ng pregnancy particularly ng mga mahihirap. Yung babaeng na-feature, akalain mong siyam na ang anak e buntis pa! Anak ng tipaklong o! Tapos nung time na ipinapanganak na yung baby (kinuhanan talaga ng show yun), nung lumabas yung sanggol parang iba yung kulay nya. Sabi kasi nung doctor na in-interview nila, kulang daw sa nutrisyon yung babae nung nagbubuntis - kasi wala silang makain. Actually, lugaw lang ang pinagsasaluhan nila sa araw-araw. At, sabi sa sa studies, nagiging dahilan din ito ng pagiging mahina ng mga bata sa oras na pumasok na sila sa school. Kasi naman, wala na ngang trabaho, wala na ngang makain, nakuha pang mag-anak ng sampu. Minsan talaga (o madalas) na hindi nag-iisip ang mga pinoy. Ang iniisip lang natin minsan yung kaligayahan natin, which is short-term. Nakakalimutan natin na anuman ang gawin natin sa kasalukuyan e malaki ang epekto sa kinabukasan. Ayan tuloy, naghihirap tayo. Wala kasi tayong disiplina. Hay naku! Nakakainis!*~*Ok...enough of that. Good news para sa akin: pumasa ako sa Accounting! hindi lang pumasa, mataas pa ang score. well, hindi sya ganun ka-taas pero way higher than yung expected kong score - akala ko nga bagsak ako dun e.Hay...sana naman maging maganda pa rin ang taon na 'to para sa akin. Sabi nga ng Eraserheads: Don't be scared of the things that could go wrong along the way
You'll get by with a smile
So I'll just smile and hope that everything will go my way.
lost and killed 10:30 PM
"Life is like a box of chocolates, you'll never know what you're gonna get"
- Forrest Gump
"Real love is when you love someone without asking for anything in return. It's when even a passing smile can make your day, a small pat on the back can make you feel alive and the mere sound of his/her voice can move you to break out into a song inside.
Real love isn't fate nor is it written in the stars. You , yourself, have to make love happen. It's a choice; a commitment that you stand up for. And even if you're uncertain if he'she loves you back, you take the risk of facing whatever pain that would come your way simply because you believe he/she is worth everything and more."